Thursday 20 May 2010

Ang Bagong Kwaderno

Oh kay sarap magsulat sa BAGONG NOTEBOOK.

Mabango.

Malinis.

Walang bahid dungis.

..ngayong pasukan bago na namang mga kasangkapan sa pag-aaral.

Bagong..uniform, sapatos, bag, ballpen

..at BAGONG NOTEBOOK..

lahat bago.

pero paglaon kintatamarang ng sulatan o harapin man lang.

ganyan tayo.

madaling nakaklimot.

sana kung gaano tayo kaexcited sa PASUKAN..ganoon pa din tayo hanggang sa huli.

sana sa bawat pagpasok natin sa eskwela..lagi nating aalalahanin ang ating mga PRAYORIDAD.

Huwag sana tayong padadala sa tukso ng paligid.

andyan ang mga boyfriends/girfriends..

andyan ang DOTA..

ang FACEBOOK..

ang videoke..

at kung ano ano pang maaring makasagabal.

Sana maisip natin ang ating mga magulang sa bawat pagpasok natin.

Maisip natin ang kanilang pagsusumikap..na kahit paano ay maranasan man lang natin ang hindi NILA naranasan.

ang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan

..sana HINDI dumating ang araw na tayo ay MABUBUNTIS o MAKAKABUNTIS.

Sana...gamitin natin sa wastong paraan ang anuman sa ating napag-aralan.

..tulad ng BAGONG KWADERNO..

malinis..walang sulat..

sisimulan nating ilapat ang mga kaalaman.

at bago matapos ang apat na taong pinaghirapan..muling bubuklatin..at makikitang siya'y nagkaroon ng SAYSAY.

0 comments:

Post a Comment