Monday, 14 March 2011

A Message to The New Crossroads!





Dear 'The New Crossroads',


Madami po akong suggestions na sana'y bigyan niyo ng pansin. Dito ko na lang po ipapadaan kasi lagi namang sarado ang bagong gawa niyong OFFICE.

Malaki ang pangangailangan sa impormasyon di lamang ng mga estudyante ng UCC pati na rin ang mga nagnanais na maging UCCian. Since kayo naman po ang tinig at palahaw ng bawat yusisista bakit di po niyo gawin ang inyong papel? Speaking of papel...well it's been a long-standing tradition for our school publication to release newsmags and a literary folio every school year. I really appreciate that. Pero dahil sa super late po ang release ng mga ito..kadalasan e di na timely ang balita o article. Matagal ng lumamig ang balita bago pa po ito mapasakamay ng mga estudyante. Ang suhestiyon ko po para dito ay ang paggamit ng mga bagong makinarya like a website. We all know na may bayad po yun so why not resort to blogging sites? There you can post pictures & videos in real time. Nakikita ko po sa FACEBOOK ang mga nakakatuwang video posts ng AB Eng students ng Camarin...it was entertaining & really fun to watch. Sobrang dami pong advantages. It's timely, cheap & easy to publish/update. Alam ko po that some of the people in your org might have already thought about this..so I hope you consider it. Maging active po sana kayo!! Sana kahit papano e magkaroon ng katuparan ito. Ito na lang siguro ang maiiwan ko sa UCC. I'm not sure if I will grdaute this coming April but if that happens I won't be able to update this site anymore. So I guess mas lalong mangangapa ang mga estudyante.

Ang concerned student ng Camarin,
~Mai Nipin

0 comments:

Post a Comment