Tuesday 3 August 2010

Sana'y Huling Hamon

..parang kelan lang isa akong freshmen...nagsusumikap na maidaos ang bawat araw, semestre, exam at humakbang ng isang baitang...

thanks to JADE Topakin for this pic.

..ngunit ngayon isa na akong senior na matatawag.

..isa sa mga nagsusumikap na makagraduate sa darating na Abril o Mayo!

Di pa rin ako makapaniwala.

tila pikit kong tinanggap ang lahat.

tiniis ang mga panahong walang tulog..

ang pumasok ng classroom ng sobra pa sa late...at pumasok ng trabaho na tanging kape ang sandigan maimulat lang ang sobrang pagod na mata.

di ko alam paano nagkasya lahat..pano naipagtagpi tagpi...

di talaga ako pinabayaan ng maykapal.

ngayon..sa huling hamon ..akin uling susubukan. ngunit habang tumatagal lalong humhirap ang pagsubok.

mahirap..sobrang hirap..

pero kakayanin ko.

sadya nga ba talagang ganito..kung kelan malapit na...

..minsan parang gusto kong sumuko..

ngunit naalala ko sina Mama...

gusto ko mapangiti sila sa pamamgitan ng bagay na ito.

0 comments:

Post a Comment