sa kabila ng maliit na matrikula. batid ko..marami pa din ang nanganganib na tumigil sa pag-aaral.
sobrang hirap ng buhay para sa ating di pinagpala ng karangyaan..
sadyang ganoon.
pero kapwa ko UCCista...maraming paraan. imulat mo ang iyong mga mata. samahan ng diskarte.
kaya mo yan!!
****************
*flashback
naalala ko ang nabasa ko sa The Crossroads dati.
Isa iyong artikulo tungkol sa mga kandidato sa pagkapangulo ng SSC. (Interview style.)
nailahad doon na ang isang kandidato ay isang CALL CENTER agent!!
isang malaking PAG-ASA ang naidulot nun sakin.
Naisip ko may paraan pa! Kung kaya niyang maipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamgitan ng pagtatrabaho...
bakit ako hindi??
wala naman akong kapansanan. (kahit nga may kapansanan pwede din)
kaya sinubukan ko..isang taon akong nag-antay magkatrabaho..buti na lang may nagmagandang loob na pautangin ako ng pangpamasahe sa training kaya ayun. Nairaos. Nagkaroon ako ng trabaho na tumutustos sa aking pang-araw-araw na gastusin hanggang ngayon.
Sana sa iba ganun din ang maging silbi nito.
Sana kahit sa paanong paraan ay makapagbigay din ito ng pag-asa.
Maraming pwedeng trabaho. mahirap nga lang! Pero wala naman talagang madali sa mundo siba? Kailangan talagang paghirapan. Kung matagal ka ng naghihintay...hintay ka pa din..sabayan mo din ng aksiyon..tiyak darating din yan.
Sa pagsasagawa niyan..huwag mong iisipin ang mga kagustuhan mo. oyak mafufrustrate ka lang lalo. Try mong iappreciate ang kung anong meron ka sa kasalukuyan.
magsimula ka dun..
halimbawa magaling kang mag-ingles..(for ABENGs)..pwed kang mag CALL CENTER o kaya HOMEBASED online teaching. uso yan ngayon.
kung ikaw naman ay magaling makipagkapwa tao try mo sa mga fast food.
sa SM Fairview pwede rin! sales lady.sales clerk! tumatanggap sila1 madami akong kakilala na natanggap dun.
kung magaling kang mambola e di magbenta ka ng kung ano ano. madami..madami talagang paraan. PROMISE!
KUNG...
inaalala mo naman ang SCHEDULE...maging palatanong ka. Swertehan! kung nataong PERFECT FIT ang sched mo sa school at sa work!
Kung hindi..kailangan mag-sacrifice. Kailangan mong MAG OFFICIALLY DROP ng mga subjects. Kung pwede rin magpa CHANGE of SCHEDULE ka!!
basta magtanong kay Ate Flor sa Rgeistrar (for camarin).
Sa sistema nating once a week lang ang schedule ng isang subject..tiyak mas madaling mapagtagpi tagpi ang mga schedule.
TIME MANAGEMENT po!
* Kung may mga katanungan po sa mga ideyang aking inilahad..makipagugnayan lamang po sa akin. pakiemail po ako sa : jill_2607@yahoo.com
(kung ikaw ay nagtataka bakit puro FILIPINO ito, yan po ay dahil sa BUWAN ng WIKA na ngayon..kailangan nating ipakita ang pagpapahalaga sa ating wika.kahit paminsan minsan)
salamat po sa pagbabasa!
0 comments:
Post a Comment