Tila ngayon ko lang nabatid sa aking tanang buhay ang tunay na kahalagahan ng ating wika. Ilang linggo at buwan ng wika ang nagdaan ngunit di ko napagtanto ang bagay na ito..na sadya palang kabaga-bagabag.
....tiyak ang iba sa inyo'y nawawalan na ng ganang basahin ito..dahil sa wikang aking ginagamit..ang iba ay natatawa at ang iba naman ay nakokornihan....
bakit nga ba??
....tiyak ang iba sa inyo'y nawawalan na ng ganang basahin ito..dahil sa wikang aking ginagamit..ang iba ay natatawa at ang iba naman ay nakokornihan....
bakit nga ba??
"Sadya nga ba talgang ganito na ang tingin natin sa ating wika??"
Masyado na tayong nabahiran ng asal ng kanluranin....wala naman sanang masama doon..
NGUNIT ang ipagsawalang bahala ang ating sariling wika ay isang kahabg-habag na gawain.
Ipinagmamalaki natin kung tayo'y magaling magINGLES ngunit ating kinahihiya kung tayo'y magaling mag FILIPINO.
(opo ang tawag po sa ating wika ay FILIPINO..kung iyong di nababatid. Hindi po TAGALOG!)
Sana'y kahit paano, sa kabilang ng tinatawag na GLOBALISASYON..ay atin pa ring pahalagahan ang ating nagiisa at sariling wika. Ito ay simbolo ng ating kasarinlan at pagkakaisa.
Isipin mo na lang na nagbuwis ang ating mga ninuno ng kanilang mga buhay para sa ating kapayapaan..pinaglaban nila ang ating kasarinlan. Hinubog nila ang ating wika upang ang mga susunod na henerasyon ay manginabang.
PERO ano itong ATING ginagawa>?? nakakahiya tayo
(oo kasama ko dito. dahil maraming beses at pagkakataon ay mas alam ko pa ang GRAMMAR kaysa sa BALARILA)
Maligayang Buwan ng Wika!
Halos Agosto na!!
0 comments:
Post a Comment